Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:47
قُلْ أَرَأَيْتَكُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُ اللَّهِ بَغْتَةً أَوْ جَهْرَةً هَلْ يُهْلَكُ إِلَّا الْقَوْمُ الظَّالِمُونَ
Sabihin mo: "Ipabatid ninyo sa akin kung pinuntahan kayo ng parusa ni Allāh nang biglaan o hayagan, may malilipol ba maliban sa mga taong lumalabag sa katarungan?"
Tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung dumating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan nang walang pagkadama nito mula sa inyo, o dumating ito sa inyo nang hayagang lantaran sa mga mata sapagkat tunay na walang kinukuha sa pamamagitan ng pagdurusang iyon kundi ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah