Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:46
قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَخَذَ اللَّهُ سَمْعَكُمْ وَأَبْصَارَكُمْ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِهِ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ ثُمَّ هُمْ يَصْدِفُونَ
Sabihin mo: "Isinaalang-alang ba ninyo kung kinuha ni Allāh ang pandinig ninyo at ang mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay Allāh ang magdudulot sa inyo nito?" Tingnan mo kung papaanong sinasari-sari Namin ang mga tanda, pagkatapos sila ay bumabaling pa.
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung biningi kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pag-alis sa mga pandinig ninyo at binulag Niya kayo sa pamamagitan ng pagkuha sa mga paningin ninyo at pagpinid sa mga puso ninyo kaya hindi kayo nakaunawa ng anuman, sinong sinasamba ayon sa karapatan ang magdudulot sa inyo ng nawala ninyo mula roon? Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Siyang naglilinaw sa kanila ng mga katwiran at nag-uuri-uri ng mga patotoo, pagkatapos sila ay umaayaw sa mga ito!"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah