Surah 6 · Juz 8
Al-An'am · 6:140
قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ قَتَلُوا أَوْلَادَهُمْ سَفَهًا بِغَيْرِ عِلْمٍ وَحَرَّمُوا مَا رَزَقَهُمُ اللَّهُ افْتِرَاءً عَلَى اللَّهِ ۚ قَدْ ضَلُّوا وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ
Nalugi nga ang mga pumatay sa mga anak nila dala ng isang kahunghangang walang kaalaman at mga nagbawal sa itinustos sa kanila ni Allāh bilang isang paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban kay Allāh. Naligaw nga sila at sila noon ay hindi mga napatnubayan.
Tafsir
Napahamak nga ang mga pumatay sa mga anak nila dahil sa kahinaan ng mga isip nila at kamangmangan nila, at nagbawal sa itinustos sa kanila ni Allāh na mga hayupan habang mga nag-uugnay niyon kay Allāh bilang isang kasinungalingan. Nalayo nga sila sa landasing tuwid, at sila noon ay hindi mga napatnubayan tungo roon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah