Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:139

وَقَالُوا مَا فِي بُطُونِ هَٰذِهِ الْأَنْعَامِ خَالِصَةٌ لِذُكُورِنَا وَمُحَرَّمٌ عَلَىٰ أَزْوَاجِنَا ۖ وَإِنْ يَكُنْ مَيْتَةً فَهُمْ فِيهِ شُرَكَاءُ ۚ سَيَجْزِيهِمْ وَصْفَهُمْ ۚ إِنَّهُ حَكِيمٌ عَلِيمٌ

Nagsabi sila: "Ang nasa mga tiyan ng mga hayupan na ito ay nakalaan para sa mga lalaki namin at ipinagbabawal sa mga maybahay namin. Kung ito ay patay, sila rito ay mga magkatambal." Gagantihan Niya ang paglalarawan nila; tunay na Siya ay Marunong, Maalam.

Tafsir

Nagsabi sila: "Ang nasa mga tiyan ng mga sā’ibah at mga baḥīrah na ito na mga sanggol, kung ipinanganak na buhay, ay ipinahihintulot sa mga lalaki namin at ipinagbabawal sa mga maybahay min. Kung ipinanganak ang mga sanggol na nasa tiyan ng mga ito na patay, ang mga lalaki at ang mga babae rito ay magkakatambal." Gaganti sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa sabi nilang ito ng nagiging karapat-dapat sa kanila. Tunay na Siya ay Marunong sa batas Niya, at pangangasiwa Niya sa kapakanan ng nilikha Niya, Maalam sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah