Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:129

وَكَذَٰلِكَ نُوَلِّي بَعْضَ الظَّالِمِينَ بَعْضًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ

Gayon isinakatangkilik Namin ang ilan sa mga lumalabag sa katarungan sa iba pa dahil sa ginagawa nila noon.

Tafsir

Gaya ng pagpapatangkilik Namin sa mga naghihimagsik na jinn at pagpapangibabaw Namin sa kanila sa ilan sa mga tao upang magligaw sila sa mga ito, ipinatatangkilik Namin ang bawat tagalabag sa katarungan sa isa pang tagalabag sa katarungan, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok sa kanya roon, nagpalayo ng loob niya sa kabutihan, at nagpapasalat sa kanya rito bilang ganti para sa kanila dahil sa dati nilang nakakamit na mga pagsuway.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah