Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:128

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ قَدِ اسْتَكْثَرْتُمْ مِنَ الْإِنْسِ ۖ وَقَالَ أَوْلِيَاؤُهُمْ مِنَ الْإِنْسِ رَبَّنَا اسْتَمْتَعَ بَعْضُنَا بِبَعْضٍ وَبَلَغْنَا أَجَلَنَا الَّذِي أَجَّلْتَ لَنَا ۚ قَالَ النَّارُ مَثْوَاكُمْ خَالِدِينَ فِيهَا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۗ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٌ

[Banggitin] sa Araw na titipunin Niya sila sa kalahatan: "O umpukan ng mga jinn, nagparami nga kayo [sa pagliligaw] ng tao at jinn." Magsasabi ang mga katangkilik nila kabilang sa tao: "Panginoon namin, nagtamasa ang ilan sa amin sa iba pa at umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin." Magsasabi Siya: "Ang Apoy ay tirahan ninyo bilang mga mananatili roon maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na ang Panginoon mo ay marunong, maalam.

Tafsir

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap si Allāh sa dalawang pangunahing nilikha: ang tao at ang jinn. Pagkatapos magsasabi si Allāh: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo ng pagliligaw sa tao at pagbalakid sa kanila sa landas ni Allāh." Magsasabi ang mga tagasunod nila kabilang sa tao habang mga sumasagot sa Panginoon nila: "O Panginoon namin, nagtamasa ang bawat isa kabilang sa amin sa kasamahan niya sapagkat ang jinn ay nagtamasa sa pagtalima ng tao sa kanya at ang tao ay nagtamasa sa pagkamit niya ng mga nasa niya. Umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin sapagkat ito ay Araw ng Pagbangon." Magsasabi si Allāh: "Ang Apoy ay pagtitigilan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh na isang sukat ng yugto sa pagitan ng pinagbuhayan sa kanila mula sa mga libingan nila hanggang sa kahahantungan nila sa Impiyerno sapagkat iyon ang yugtong hindi isinama ni Allāh sa pananatili nila sa Apoy." Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya hinggil sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa kanila sa pagdurusa.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah