Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:108

وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ مَرْجِعُهُمْ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ

Huwag ninyong alipustain ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh para alipustain nila si Allāh dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinaakit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos ay sa Panginoon nila ang balikan nila at ibabalita Niya sa kanila ang ginagawa nila noon.

Tafsir

Huwag kayong mang-alipusta, O mga mananampalataya, sa mga anitong sinasamba ng mga tagapagtambal kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito ay pinakahamak na bagay at pinakakarapat-dapat sa pag-alipusta, upang hindi mang-alipusta ang mga tagapagtambal kay Allāh dala ng pagmamataas laban sa Kanya at kamangmangan sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung paanong ipinang-akit para sa mga ito ang taglay ng mga ito na pagkaligaw, ipinang-akit ni Allāh para sa bawat kalipunan ang gawa nila, kabutihan man o kasamaan, kaya ginawa nila ang ipinaakit Niya sa kanila mula roon. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa kanila roon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah