Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:107

وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكُوا ۗ وَمَا جَعَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ

Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila nagtambal sa Kanya. Hindi ka Namin ginawa sa kanila na isang mapag-ingat. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

Tafsir

Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man ay hindi sana sila nagtambal sa Kanya ng isa man. Hindi ka, O Sugo, ginawa na isang mapagmasid na nag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Hindi ka sa kanila isang katiwala. Ikaw ay sugo lamang. Walang tungkulin sa iyo kundi ang pagpapaabot.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah