Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:33

۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَلَا تُبْطِلُوا أَعْمَالَكُمْ

O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga gawa ninyo.

Tafsir

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa ipinag-uutos nilang dalawa at pag-iwas ninyo sa sinasaway nilang dalawa, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga gawa ninyo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapakitang-tao, at iba pa roon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah