Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:32

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَشَاقُّوا الرَّسُولَ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدَىٰ لَنْ يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا وَسَيُحْبِطُ أَعْمَالَهُمْ

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, sumagabal sa landas ni Allāh, at nakipaghidwaan sa Sugo mula ng matapos luminaw para sa kanila ang patnubay ay hindi makapipinsala kay Allāh sa anuman at magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.

Tafsir

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, sumagabal sa Relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila – at sumagabal doon ang iba pa sa kanila – at sumalungat sa Sugo Niya at nakipag-away rito nang matapos luminaw na ito ay propeta, hindi sila makapipinsala kay Allāh ng anuman at nakapipinsala lamang sila sa mga sarili nila. Magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah