Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:26

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا لِلَّذِينَ كَرِهُوا مَا نَزَّلَ اللَّهُ سَنُطِيعُكُمْ فِي بَعْضِ الْأَمْرِ ۖ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِسْرَارَهُمْ

Iyon ay dahil sila ay nagsabi sa mga nasuklam sa pinababa ni Allāh: "Tatalima kami sa inyo sa ilang bagay." Si Allāh ay nakaaalam sa paglilihim nila.

Tafsir

Ang pagliligaw na naganap na iyon sa kanila ay dahilan sa sila ay nagsabi nang palihim sa mga tagapagtambal na nasuklam sa ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya na kasi: "Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin gaya ng pagpapahina ng loob sa pakikipaglaban." Si Allāh ay nakaaalam sa inililihim nila at ikinukubli nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, kaya naghahayag Siya ng anumang niloob Niya mula rito sa Sugo Niya – basbasan Niya ang Propeta at batiin ng kapayapaan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah