Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:25
إِنَّ الَّذِينَ ارْتَدُّوا عَلَىٰ أَدْبَارِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدَى ۙ الشَّيْطَانُ سَوَّلَ لَهُمْ وَأَمْلَىٰ لَهُمْ
Tunay na ang mga bumalik sa mga pinanggalingan nila mula ng matapos luminaw na para sa kanila ang patnubay, ang demonyo ay nambighani sa kanila at nagpahaba ng pag-asa sa kanila.
Tafsir
Tunay na ang mga bumalik mula sa pananampalataya patungo sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw nang matapos nailatag sa kanila ang katwiran at luminaw para sa kanila ang katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang demonyo ay ang nang-akit sa kanila sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, nagpadali nito sa kanila, at nagpamithi sa kanila dahil sa haba ng pag-asa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah