Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:13

وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةً مِنْ قَرْيَتِكَ الَّتِي أَخْرَجَتْكَ أَهْلَكْنَاهُمْ فَلَا نَاصِرَ لَهُمْ

Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa pamayanan mo na nagpalayas sa iyo; lumipol Kami sa kanila at walang tagaadya para sa kanila.

Tafsir

Kay raming pamayanan kabilang sa mga pamayanan ng mga kalipunang nauna ay higit na matindi sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaysa sa Makkah na nagpalisan sa iyo ang mga mamayan niyon mula roon. Nagpahamak Kami sa kanila noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot Namin noong dumating ito sa kanila. Hindi nagpapawalang-kakayahan sa Amin ang pagpapahamak sa mga mamamayan ng Makkah kapag nagnais Kami niyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah