Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:12
إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا يَتَمَتَّعُونَ وَيَأْكُلُونَ كَمَا تَأْكُلُ الْأَنْعَامُ وَالنَّارُ مَثْوًى لَهُمْ
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya ay nagtatamasa at kumakain gaya ng panginginain ng mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila.
Tafsir
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ninanasa nila at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan; walang pinahahalagahan para sa kanila kundi ang mga tiyan nila at ang mga tawag ng laman nila. Ang Apoy sa Araw ng Pagbangon ay pamamalagihan nila na tutuluyan nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah