Surah 45 · Juz 25
Al-Jathiyah · 45:6
تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَ اللَّهِ وَآيَاتِهِ يُؤْمِنُونَ
Ang mga iyon ay mga tanda ni Allāh, na binibigkas sa iyo sa katotohanan. Kaya sa aling pakikipag-usap matapos ni Allāh at sa mga tanda Niya sasampalataya sila?
Tafsir
Ang mga tanda at ang mga patotoo na ito ay binibigkas Namin sa iyo, O Sugo, sa katotohanan. Kaya kung hindi sila sumampalataya sa pakikipag-usap ni Allāh, na pinababa sa Lingkod Niya, at sa mga katwiran Niya, sa aling pakikipag-usap matapos Niya sasampalataya sila at sa aling mga katwiran matapos Niya magpapatotoo sila?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah