Surah 45 · Juz 25
Al-Jathiyah · 45:5
وَاخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ رِزْقٍ فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَتَصْرِيفِ الرِّيَاحِ آيَاتٌ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
at sa pagsasalitan ng gabi at maghapon, anumang ibinaba ni Allāh mula sa langit na panustos kaya nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito, at pagpihit sa mga hangin ay may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Tafsir
Sa pagsusunuran ng gabi at maghapon, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na ulan saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito matapos na ito ay naging patay na walang halaman dito, at sa pagpihit sa mga hangin sa pamamagitan ng pagpapapunta sa mga ito minsan sa isang dako at minsan sa ibang dako para sa mga kapakinabangan ninyo ay may mga katunayan para sa mga taong nakapag-uunawa kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan ng mga ito sa kaisahan ni Allāh, kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli, at kakayahan Niya sa bawat bagay.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah