Surah 45 · Juz 25

Al-Jathiyah · 45:29

هَٰذَا كِتَابُنَا يَنْطِقُ عَلَيْكُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّا كُنَّا نَسْتَنْسِخُ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ

Ito, ang talaan Namin, ay bibigkasin sa inyo ayon sa katotohanan. Tunay na Kami noon ay nagtatala ng dati ninyong ginagawa."

Tafsir

Itong talaan Namin – na ang mga anghel Namin noon ay nagsusulat dito ng mga gawa ninyo – ay sasaksi sa inyo ayon sa katotohanan, kaya basahin ninyo. Tunay na Kami noon ay nag-uutos sa mga tagapag-ingat na magtala ng dati ninyong ginagawa sa Mundo."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah