Surah 45 · Juz 25

Al-Jathiyah · 45:28

وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٍ جَاثِيَةً ۚ كُلُّ أُمَّةٍ تُدْعَىٰ إِلَىٰ كِتَابِهَا الْيَوْمَ تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ

Makakikita ka sa bawat kalipunan na nakaluhod. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan nito: "Ngayong Araw ay gagantihan kayo sa anumang dati ninyong ginagawa.

Tafsir

Makakikita ka, O Sugo, sa Araw na iyon ng bawat kalipunan na nakaluhod sa mga tuhod nito, na naghihintay ng gagawin dito. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan ng mga gawa nito na isinulat ng mga tagapag-ingat na mga anghel: "Ngayong Araw, gagantihan kayo, O mga tao, sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na kabutihan at kasamaan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah