Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:6

قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَاسْتَقِيمُوا إِلَيْهِ وَاسْتَغْفِرُوهُ ۗ وَوَيْلٌ لِلْمُشْرِكِينَ

Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Isiniwalat sa akin na ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos lamang, kaya magpakatuwid kayo sa Kanya at humingi kayo ng tawad sa Kanya." Kapighatian sa mga tagatambal,

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamatigas na ito: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Nagkakasi sa akin si Allāh na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisang sinasamba lamang, si Allāh, kaya tumahak kayo sa daang nagpaparating sa Kanya at humiling kayo mula sa Kanya ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo." Kapahamakan at pagdurusa ay ukol sa mga tagapagtambal, na mga sumasamba sa iba pa kay Allāh o nagtatambal kasama sa Kanya ng isa man,

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah