Surah 41 · Juz 24
Fussilat · 41:5
وَقَالُوا قُلُوبُنَا فِي أَكِنَّةٍ مِمَّا تَدْعُونَا إِلَيْهِ وَفِي آذَانِنَا وَقْرٌ وَمِنْ بَيْنِنَا وَبَيْنِكَ حِجَابٌ فَاعْمَلْ إِنَّنَا عَامِلُونَ
Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay nasa loob ng mga panakip laban sa ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang tabing. Kaya gumawa ka; tunay na kami ay mga tagagawa."
Tafsir
Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay natatakpan ng mga pambalot kaya hindi nakapag-uunawa ng ipinaaanyaya mo sa amin. Sa mga tainga namin ay may pagkabingi kaya hindi nakaririnig ang mga ito. Sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang takip kaya walang nakararating sa amin na anuman mula sa sinasabi mo. Kaya gumawa ka mismo sa pamamaraan mo; tunay na kami ay mga tagagawa sa pamamaraan namin. Hindi kami susunod sa iyo."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah