Surah 41 · Juz 25

Fussilat · 41:48

وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَدْعُونَ مِنْ قَبْلُ ۖ وَظَنُّوا مَا لَهُمْ مِنْ مَحِيصٍ

Nawala sa kanila ang dati nilang dinadalanginan noong una. Makatitiyak sila na walang ukol sa kanilang anumang mapupuslitan.

Tafsir

Naglaho sa kanila ang dati nilang dinadalanginan na mga anito. Nakapagtiyak sila na walang matatakasan para sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh at walang maiiwasan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah