Surah 41 · Juz 25

Fussilat · 41:47

۞ إِلَيْهِ يُرَدُّ عِلْمُ السَّاعَةِ ۚ وَمَا تَخْرُجُ مِنْ ثَمَرَاتٍ مِنْ أَكْمَامِهَا وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنْثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِ ۚ وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ أَيْنَ شُرَكَائِي قَالُوا آذَنَّاكَ مَا مِنَّا مِنْ شَهِيدٍ

Sa Kanya iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga saha ng mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. At sa araw na Siya ay tatawag sa kanila; Nasaan ang [sinasabi ninyong] mga katambal ko? Sila ay magsasabi: Ipinaaalam namin sa Iyo, na walang sinuman sa amin ngayon ang makapagbibigay-saksi [ na Ikaw ay mayroong katambal]

Tafsir

Sa kay Allāh lamang iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat Siya lamang ay nakaaalam kung kailan magaganap ito sapagkat hindi nakaaalam niyon ang iba pa sa Kanya. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga sisidlan ng mga ito na nangangalaga sa mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nanganganak malibang nasa kaalaman Niya. Walang nakalulusot sa Kanya mula roon na anuman. Sa Araw na mananawagan si Allāh sa mga tagapagtambal na dating sumasamba kasama sa Kanya sa mga anito, habang nanunumbat sa kanila sa pagsamba nila sa mga iyon: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong hinahaka-haka na sila ay mga katambal?" Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Umaamin kami sa harapan Mo na walang isa sa amin na sasaksi ngayon na mayroon Kang katambal."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah