Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:41

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالذِّكْرِ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّهُ لَكِتَابٌ عَزِيزٌ

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa paalaala noong dumating ito sa kanila [ay parurusahan.] Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan.

Tafsir

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay talagang mga pagdurusahin sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan, matatag, na hindi nakakaya ng isang tagapaglihis ng kahulugan na maglihis ng kahulugan nito ni ng isang tagapagpalit na magpalit nito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah