Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:40

إِنَّ الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي آيَاتِنَا لَا يَخْفَوْنَ عَلَيْنَا ۗ أَفَمَنْ يُلْقَىٰ فِي النَّارِ خَيْرٌ أَمْ مَنْ يَأْتِي آمِنًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ اعْمَلُوا مَا شِئْتُمْ ۖ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

Tunay na ang mga lumilihis sa mga tanda Namin ay hindi nakakukubli sa Amin. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mabuti o ang sinumang darating nang ligtas sa Araw ng Pagbangon? Gawin ninyo ang niloob ninyo; tunay na Siya sa ginagawa ninyo ay Nakakikita.

Tafsir

Tunay na ang mga kumikiling kaugnay sa mga tanda ni Allāh palayo sa katumpakan sa pamamagitan ng pagkakaila sa mga ito, pagpapasinungaling sa mga ito, at paglilihis [ng kahulugan] ng mga ito ay hindi nakakukubli ang kalagayan nila sa Kanya sapagkat Siya ay nakaaalam sa kanila. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mainam o ang sinumang pupunta sa Araw ng Pagbangon nang ligtas mula sa pagdurusa? Gawin ninyo, O mga tao, ang niloob ninyo na kabutihan at kasamaan sapagkat nilinaw na para sa inyo ang kabutihan at ang kasamaan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo kabilang sa dalawang ito ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa mga gawa ninyo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah