Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:34

وَلَا تَسْتَوِي الْحَسَنَةُ وَلَا السَّيِّئَةُ ۚ ادْفَعْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ فَإِذَا الَّذِي بَيْنَكَ وَبَيْنَهُ عَدَاوَةٌ كَأَنَّهُ وَلِيٌّ حَمِيمٌ

Hindi nagkakapantay ang magandang gawa at ni ang masagwang gawa. Magtulak ka [sa masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, at biglang [siya na] ang sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik.

Tafsir

Hindi nagkakapantay ang paggawa ng mga magandang gawa at mga pagtalima na nagpapalugod kay Allāh at ang paggawa ng mga masagwang gawa at mga pagsuway na nagpapainis sa Kanya. Itulak mo sa pamamagitan ng katangiang siyang higit na maganda ang paggawa ng masagwa ng gumawa ng masagwa sa iyo kabilang sa mga tao, saka biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may naunang pagkamuhi – kapag nagtulak ka sa paggawa niya ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanya – ay [magiging] para bang siya ay isang kamag-anak na magiliw.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah