Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:33

وَمَنْ أَحْسَنُ قَوْلًا مِمَّنْ دَعَا إِلَى اللَّهِ وَعَمِلَ صَالِحًا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ الْمُسْلِمِينَ

Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga muslim."

Tafsir

Walang isang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at paggawa ayon sa batas Niya, gumawa ng gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga sumusuko na mga nagpapaakay kay Allāh." Kaya ang sinumang gumawa niyon sa kabuuan niyon, siya ay pinakamaganda sa mga tao sa sinasabi.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah