Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:22

وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَتِرُونَ أَنْ يَشْهَدَ عَلَيْكُمْ سَمْعُكُمْ وَلَا أَبْصَارُكُمْ وَلَا جُلُودُكُمْ وَلَٰكِنْ ظَنَنْتُمْ أَنَّ اللَّهَ لَا يَعْلَمُ كَثِيرًا مِمَّا تَعْمَلُونَ

Hindi kayo noon nagtatakip [ng mga sarili] na sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo, subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo.

Tafsir

Hindi kayo dati nagkukubli nang gumagawa kayo ng mga pagsuway upang hindi sumaksi laban sa inyo ang mga pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, ni ang mga balat ninyo dahil kayo ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa ni sa gantimpala matapos ng kamatayan; subalit nagpalagay kayo na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo, bagkus nakakukubli sa Kanya, kaya naman nalinlang kayo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah