Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:21

وَقَالُوا لِجُلُودِهِمْ لِمَ شَهِدْتُمْ عَلَيْنَا ۖ قَالُوا أَنْطَقَنَا اللَّهُ الَّذِي أَنْطَقَ كُلَّ شَيْءٍ وَهُوَ خَلَقَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Magsasabi sila sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin?" Magsasabi ang mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon at tungo sa Kanya ay panunumbalikin kayo.

Tafsir

Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin sa dati naming ginagawa sa Mundo?" Magsasabi ang mga balat bilang sagot sa mga may-ari ng mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon nang kayo dati ay nasa Mundo, at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah