Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:80

الَّذِي جَعَلَ لَكُمْ مِنَ الشَّجَرِ الْأَخْضَرِ نَارًا فَإِذَا أَنْتُمْ مِنْهُ تُوقِدُونَ

[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa punong-kahoy na luntian ng isang apoy, at biglang kayo mula rito ay nagpapaningas.

Tafsir

[Siya] ang gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa mga luntiang punong-kahoy na mahalumigmig ng isang apoy na hinahango ninyo mula sa mga ito, saka biglang kayo ay nagpapaningas mula sa mga ito ng isang apoy. Ang sinumang nagsama sa dalawang magkasalungat, sa pagkabasa ng tubig ng mga punong-kahoy na luntian at sa apoy na naglalagablab sa mga ito, ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah