Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:79
قُلْ يُحْيِيهَا الَّذِي أَنْشَأَهَا أَوَّلَ مَرَّةٍ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلْقٍ عَلِيمٌ
Sabihin mo: "Magbibigay-buhay rito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon. Siya sa bawat nilikha ay Maalam."
Tafsir
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanya: "Magbibigay-buhay sa mga butong bulok na ito ang lumikha rito sa unang pagkakataon sapagkat ang lumikha ng mga ito sa unang pagkakataon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik ng buhay ng mga ito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat nilikha ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah