Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:69

وَمَا عَلَّمْنَاهُ الشِّعْرَ وَمَا يَنْبَغِي لَهُ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ وَقُرْآنٌ مُبِينٌ

Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur'ān na malinaw

Tafsir

Hindi Kami nagturo kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng tula. Hindi nararapat para sa kanya iyon dahil ito ay hindi bahagi ng kalikasan niya at hindi humihiling nito ang pagkalalang sa kanya, para tumumpak para sa inyo ang pagsasabing siya raw ay manunula. Walang iba ang itinuro Namin sa kanya kundi isang paalaala at isang Qur'ān na maliwanag para sa sinumang nagnilay-nilay nito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah