Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:68
وَمَنْ نُعَمِّرْهُ نُنَكِّسْهُ فِي الْخَلْقِ ۖ أَفَلَا يَعْقِلُونَ
Ang sinumang pinatanda Namin ay pababalikin Namin siya sa pagkakalikha. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa?
Tafsir
Ang sinumang pinahaba Namin sa buhay niya kabilang sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapahaba sa edad niya ay magpapabalik Kami sa kanya sa yugto ng kahinaan. Kaya hindi ba sila nag-iisip-isip gamit ng mga isip nila at nakatatalos na itong tahanan [sa Mundo] ay hindi tahanan ng pananatili ni kawalang-hanggan, at na ang tahanang mananatili ay ang tahanan sa Kabilang-buhay?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah