Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:58

سَلَامٌ قَوْلًا مِنْ رَبٍّ رَحِيمٍ

"Kapayapaan," isang sabi mula sa isang Panginoong Maawain,

Tafsir

Magkakaroon sila higit sa kaginhawahang ito ng kapayapaang mangyayari sa kanila, bilang sabi mula sa Panginoong Maawain sa kanila. Kapag bumati Siya ng kapayapaan sa kanila ay mangyayari sa kanila ang kaligtasan mula sa lahat ng mga anyo [ng kapahamakan] at mangyayari sa kanila ang pagbating walang pagbating higit na mataas kaysa roon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah