Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:57
لَهُمْ فِيهَا فَاكِهَةٌ وَلَهُمْ مَا يَدَّعُونَ
Magkakaroon sila roon ng bungang-kahoy at magkakaroon sila ng anumang ipananawagan nila.
Tafsir
Magkakaroon sila sa paraisong ito ng mga uri ng mga bungang-kahoy na kaaya-aya gaya ng ubas, igos, at granada; at magkakaroon sila ng bawat hihilingin nila na minamasarap at mga uri ng ginhawa sapagkat ang anumang hiniling nila mula roon ay mangyayari para sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah