Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:29
إِنْ كَانَتْ إِلَّا صَيْحَةً وَاحِدَةً فَإِذَا هُمْ خَامِدُونَ
Walang iba iyon kundi nag-iisang hiyaw, at biglang sila ay mga nalipol.
Tafsir
Walang iba ang kasaysayan ng pagpapahamak sa mga kababayan niya kundi nag-iisang hiyaw na isinugo Namin sa kanila saka biglang sila ay mga nakabuwal; walang natira mula sa kanila na isang natitira. Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng apoy na dating nagniningas, ngunit naapula kaya walang natira para rito na isang bakas.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah