Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:28
۞ وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَىٰ قَوْمِهِ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ جُنْدٍ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا كُنَّا مُنْزِلِينَ
Hindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya noong wala na siya ng mga kawal mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa.
Tafsir
Hindi Kami nagpababa alang-alang sa pagpapahamak sa mga kababayan niya, na nagpasinungaling sa kanya at pumatay sa kanya, ng mga kawal mula sa mga anghel, na pabababain Namin mula sa langit; at hindi Kami noon nagpapababa ng mga anghel sa mga kalipunan kapag nagpahamak kami sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay higit na madali sa ganang Amin kaysa roon. Nagtakda nga Kami na ang kapahamakan nila ay magiging sa pamamagitan ng isang hiyaw mula sa langit at hindi sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga anghel ng pagdurusa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah