Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:20
وَأَمَّا الَّذِينَ فَسَقُوا فَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا أُعِيدُوا فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ
Tungkol naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon ay ibinabalik sila roon at sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling hinggil dito."
Tafsir
Tungkol naman sa mga lumabas mula sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway, ang titigilan nila na inihanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay ang Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila bilang panunumbat para sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling dito sa Mundo nang ang mga sugo ninyo noon ay nagpapangamba sa inyo laban dito."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah