Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:19
أَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَلَهُمْ جَنَّاتُ الْمَأْوَىٰ نُزُلًا بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.
Tafsir
Tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ang ganti sa kanila na inihanda para sa kanila ay mga hardin na titigil sila sa mga ito bilang karangalan mula kay Allāh para sa kanila, bilang ganti sa dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah