Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:14
فَذُوقُوا بِمَا نَسِيتُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا إِنَّا نَسِينَاكُمْ ۖ وَذُوقُوا عَذَابَ الْخُلْدِ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa.
Tafsir
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang panunumbat para sa kanila at paninisi: "Kaya lumasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkalingat ninyo sa buhay na pangmundo sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa inyo. Tunay na Kami ay mag-iiwan sa inyo sa pagdurusa nang hindi pumapansin sa pinagdurusahan ninyo mula rito. Lumasap kayo ng pagdurusa ng Apoy na mamamalagi, na hindi mapuputol, dahilan sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga pagsuway."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah