Surah 32 · Juz 21

As-Sajdah · 32:13

وَلَوْ شِئْنَا لَآتَيْنَا كُلَّ نَفْسٍ هُدَاهَا وَلَٰكِنْ حَقَّ الْقَوْلُ مِنِّي لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat tao ng patnubay niya, subalit magkakatotoo ang sabi mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang sama-sama.

Tafsir

Kung sakaling niloob Namin ang pagbibigay sa bawat kaluluwa ng gabay niya at pagtutuon sa kanya ay talaga sanang nagdala Kami sa kanya rito, subalit kinailangan ang hatol mula sa Akin ayon sa karunungan at katarungan: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya kabilang sa dalawang pangunahing nilikha na mga jinn at mga tao dahil sa pagpili nila sa daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw higit sa daan ng pananampalataya at pagkatuwid."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah