Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:9
أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَأَثَارُوا الْأَرْضَ وَعَمَرُوهَا أَكْثَرَ مِمَّا عَمَرُوهَا وَجَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ ۖ فَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Hindi ba sila humayo sa lupain para magmasid sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga kabilang sa nauna sa kanila. Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas, nagbungkal ng lupa, at luminang nito nang higit kaysa sa paglinang nila nito. Nagdala sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon ng mga malinaw na katunayan sapagkat hindi nangyaring si Allāh ay ukol lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
Tafsir
Hindi ba humayo ang mga ito sa lupain upang magnilay-nilay kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling noong bago pa nila? Dati ang mga kalipunang iyan ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Binago ng mga iyon ang lupa para sa pagsasaka at paglinang. Nilinang ito ng mga iyon nang higit kaysa sa paglinang nila nito. Naghatid sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon ng mga patotoo at mga katwirang maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ngunit nagpasinungaling ang mga iyon kaya hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa mga iyon nang nagpahamak Siya sa mga iyon subalit ang mga iyon dati sa mga sarili ng mga iyon ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah