Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:10

ثُمَّ كَانَ عَاقِبَةَ الَّذِينَ أَسَاءُوا السُّوأَىٰ أَنْ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ وَكَانُوا بِهَا يَسْتَهْزِئُونَ

Pagkatapos ang kinahinatnan ng mga nagpasagwa sa kasagwaan ay na nagpasinungaling sila sa mga tanda ni Allāh. Dati sila sa mga ito ay nangungutya.

Tafsir

Pagkatapos naging wakas ng mga sumagwa ang mga gawain nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga masagwa ang wakas na malubha sa kasagwaan dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at nangungutya dati sa mga ito at nanunuya sa mga ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah