Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:58

وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَلَئِنْ جِئْتَهُمْ بِآيَةٍ لَيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا مُبْطِلُونَ

Talaga ngang gumawa Kami para sa mga tao sa Qur’an na ito mula sa bawat paghahalimbawa. Talagang kung nagdala ka sa kanila ng isang tanda ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan."

Tafsir

Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’an na ito – bilang pagmamalasakit sa kanila – mula sa bawat paghahalintulad upang lumiwanag para sa kanila ang katotohanan mula sa kabulaanan. Talagang kung naghatid ka sa kanila, O Sugo, ng isang katwiran sa katapatan mo ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan kaugnay sa inihatid ninyo."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Ar-Rum 30:58 · Tlawati