Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:57

فَيَوْمَئِذٍ لَا يَنْفَعُ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَعْذِرَتُهُمْ وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ

Kaya sa Araw na iyon, hindi magpapakinabang sa mga lumabag sa katarungan ang pagdadahilan nila at hindi sila hihilinging magpalugod [kay Allāh].

Tafsir

Kaya sa Araw na bubuhaying muli ni Allāh ang mga nilikha para sa pagtutuos at pagganti, hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang nilikha-likha nilang mga dahi-dahilan at hindi hihilingin mula sa kanila ang pagpapalugod kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at pagsisisi sa Kanya dahil sa pagkahuli ng oras niyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah