Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:48

اللَّهُ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَيَبْسُطُهُ فِي السَّمَاءِ كَيْفَ يَشَاءُ وَيَجْعَلُهُ كِسَفًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ ۖ فَإِذَا أَصَابَ بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ

Si Allāh ay ang nagsusugo ng mga hangin, at nagpapagalaw ang mga iyon ng mga ulap, at naglalatag Siya sa mga iyon sa langit kung papaanong niloloob Niya. Gumagawa Siya sa mga iyon bilang mga tipak kaya nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa mga pagitan ng mga iyon. Kaya kapag nagpatama Siya nito sa mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila ay nagagalak.

Tafsir

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang umaakay sa mga hangin at nagpapadala sa mga iyon saka nagpapagalaw ang mga hanging iyon sa mga ulap at nagpapakilos sa mga ito. Bumabanat Siya sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya sa kakauntian o karamihan. Gumagawa Siya sa mga ito bilang mga piraso kaya nakikita mo, O tagatingin, ang ulan habang lumalabas mula sa gitna ng mga ulap na iyon. Kaya kapag nagpatama si Allāh ng ulan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila rito ay natutuwa dahil sa awa Niya sa kanila dahil sa pagpapababa ng ulan na sinusundan ng pagpapatubo sa lupa ng kinakailangan nila para sa mga sarili nila at para sa mga hayop nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah