Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:47

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَانْتَقَمْنَا مِنَ الَّذِينَ أَجْرَمُوا ۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيْنَا نَصْرُ الْمُؤْمِنِينَ

Talaga ngang nagsugo Kami noong wala ka pa ng mga sugo sa mga tao nila, kaya nagdala sila sa mga iyon ng mga malinaw na katunayan, at naghiganti Kami sa mga sumalansang. Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya.

Tafsir

Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga kalipunan nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan nila. Ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa inihatid sa mga iyon ng mga sugo ng mga iyon kaya naghiganti Kami sa mga gumawa ng mga gawang masagwa. Ipinahamak Namin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagdurusang dulot Namin at iniligtas Namin ang mga sugo at ang mga mananampalataya sa kanila mula sa kapahamakan. Ang pagliligtas sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila ay isang tungkuling inobliga Namin sa Amin.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah