Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:37

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya at naghihigpit? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

Tafsir

Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ito o tatangging magpasalamat? Nagpapasikip Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila bilang pagsubok para rito kung magtitiis ito o maiinis ito? Tunay na sa pagpapaluwang sa panustos para sa iba at pagpapasikip nito para sa iba ay talagang may mga katunayan para sa mga mananampalataya sa kabaitan ni Allāh at awa Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Ar-Rum 30:37 · Tlawati