Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:36

وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً فَرِحُوا بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ إِذَا هُمْ يَقْنَطُونَ

Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa ay nagagalak sila rito. Kapag dinapuan sila ng isang masagwa dahil sa inihain ng mga kamay nila, biglang sila ay nawawalan ng pag-asa.

Tafsir

Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang biyaya mula sa mga biyaya Namin gaya ng kalusugan at pagyaman ay nagagalak sila rito ayon sa pagkagalak ng kawalang-pakundangan at nagpapakamalaki sila. Kapag ipinatamo sa kanila ang ikinasasama ng loob nila gaya ng karamdaman at karukhaan dahil sa nakamit ng mga kamay nila na mga pagsuway, biglang sila ay nalalagutan ng pag-asa mula sa awa ni Allāh at nalalagutan ng pag-asa sa paglaho ng ikinasasama ng loob nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah