Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:25

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ تَقُومَ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ بِأَمْرِهِ ۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمْ دَعْوَةً مِنَ الْأَرْضِ إِذَا أَنْتُمْ تَخْرُجُونَ

Kabilang sa mga tanda Niya ay na manatili ang langit at lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas.

Tafsir

Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pananatili ng langit nang walang pagbagsak at ng lupa nang walang pagkaguho ayon sa utos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pagtawag mula sa lupa sa pamamagitan ng pag-ihip ng anghel sa tambuli, biglang kayo ay lalabas mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah