Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:24
وَمِنْ آيَاتِهِ يُرِيكُمُ الْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَيُحْيِي بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat na [nagdudulot ng] pangamba at paghahangad, at nagbababa Siya mula sa langit ng tubig kaya nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Tafsir
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat sa langit at nagsasama Siya para sa inyo rito sa pagitan ng pangamba sa mga kulog at ng paghahangad ng ulan, at nagbababa Siya para sa inyo mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng katuyuan nito sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na halaman. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nakapag-uunawa kaya nagpapatunay sila sa pamamagitan ng iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan para sa pagtutuos at pagganti.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah